Siguro nga, sa buhay ng tao hindi pwedeng lagi kang masaya. Hindi rin pwedeng laging ikaw yung bida. Hindi rin pwedeng, lagi ka nalang maiintindihan. Dadating sa buhay ng tao, na lahat nang nasa paligid niya, mapapagod rin sa pakikinig sayo. At ikaw naman, hindi mo rin alam kung sumosobra ka na. Kasi masaya eh. :)
Wala. Ganun lang siguro talaga ang buhay. Hindi pwedeng maging perpekto. Pero nung mga panahong masaya ako, hindi ko naisip na boring yung masaya ka lang lagi. Bakit? Aba, malay ko. HAHAHA. Eh masaya eh. Siguro dahil yung sobrang kasiyahan ko, naibabahagi ko rin sa kanila. Kaya kahit sobrang na-aabsorb ko, hindi boring. Masaya kasing maging masaya kung marami kayong masaya. Gets? :)
Pero ngayon. Ewan ko. Siguro masaya pa rin sila, o pwedeng nalulungkot. Nagkawatak watak na kami eh. Ay hindi, ako lang pala. Napahiwalay na ako sa kanila. Di ko sinasabing gusto ko pa silang makasama, pero hindi ko rin sinasabing ayoko na. Siguro, pag galit sayo ang isang tao, marami siyang masasabing masasakit. Haay. Ang dami nilang nasabi eh. Siguro ako rin, marami. Hindi sa nagmamalinis, pero di ko lang talaga alam kung ano yung mga nasabi ko. HAHAHA. Yung fact na galit sila, yun na lang yung pinanghahawakan kong reason kung bat nila nasasabi yung mga ganun. Ayoko kasing maniwala na ganun sila.
Ako? Eto mukhang patatas. Nag-eemote sa pagkawala nila. Hahahahaha. Nagalit talaga ako sa kanila. At sinabi rin ng mom ko na hayaan na lang sila. Sa totoo lang, madali lang naman yun eh. Kaso, sobrang naging masaya ko nga kaya nasasaktan ako. Kahit anong taboy nila, at kahit anong paglayo ko, namimiss ko sila. HAHAHA. LANDE. Kahit nakakainis na hindi ako magawang ipagtanggol nang pinakabestfriend ko sa kanila, at hindi niya ako pinapansin dahil galit yung iba sakin, natuto ko na ring tanggapin na hindi niya na ako kailangan. Waaah. Halos mag tatatlong taon na rin kaming magkakilala. Para siyang bata. Kahit nga di ko siya kaklase, sinisiguro kong alam ko schedule nila, para alam ko kung kailangan niya ng makokopyahan sa homework sa Botany, or kahit saan, para gumawa na ako nun para sa kanya. At pag absent siya, inaalam ko lahat ng homeworks niya, tapos idadaan ko pa yung mga libro at notebooks sa bahay nila. HAHAHA. Eh ganun ako eh. :))) At parang kahit magkalayo na kami, binabantayan ko pa rin siya. Nakagisnan ko na kasi yun. Nasanay na akong binabantayan siya, kahit di ko man siya mapigilan sa gagawin niyang yun, atleast alam ko kung mahihirapan siya. Well, siguro di ko na yun nagawa ngayon. AYAN. Tapos ngayon, waley. NGANGA. Malaki na siya eh. Dapat ko na tanggapin yon. Kaya lang masakit pa rin talaga. Eh. Ang lande.
Tapos yung pito ko pang mga kaibigan na ubod ng gaganda at lalande at laging bitter sa mga nang-aagaw ng bias nila. Huhuhu. Yung isa sa kanila, trying hard maging maknae. Palibhasa maknae yung bias. Ang hilig manghampas. JUSKO. Total opposite. WAHAHA. Tapos sobrang galing sa Math, ayaw naman magpakopya. Huhuhu. Tas ang haba ng hair niya. Puteeeeek. HAHAHA. Kahit hindi maganda start nang pagkakakilala namin dahil crush ko rin yung crush niya, at sobrang yabang talaga niya dati, (para sakin aba. XD) isa siya sa pinaka-warm hearted. Kahit di niya ipakita, nararamdaman ko yun. HOHOHO. I love youuuuuuuuuuuu.
Tapos yung isa naman. Grabe yung self-esteem, ang taas. BWAHAHAH. Unan, iyakan, sandalan. Ganun siya. May pagkamaarte din yun eh. HAHAHA. Feeling niya raw di siya bagay samin. Arte noh? Eh mahal na mahal ko yuuuuuuun. Kahit siya yung tinaguriang leader ng group, para siyang bata. At lagi ko siyang pinoprotektahan, siguro di lang halata. OMG. Nagiging Sooyoung na ako ng totoo. HAHA. Natutuwa ako sa kanya, kasi naiiyakan niya ako. At nagsasabi siya sakin ng mga hinaing. Feeling ko tuloy ang galing ko. HAHAHA.
Tapos yung isa. Ang face, at pinakamatipid sa lahat. Ang bait niya rin. Puteeeeeeeeeeek. May one time, na ang tindi nung tampo ko sa iba, at siya lang yung nakausap ko. Dun ko lang napagtanto na welcome pala talaga ako sa group namin na yun. Ewan ko. Parang nawala yung wall, kasi ewan. HAHAHA. Salamaaaaaaat. I love youu.
At si ano. HAHAHA. Ewan ko. Yung pinaka dahilan nung pinakatindi kong pagkainis ay siya. Nainis ako sa sarili ko. At nasaktan ng todo nung inignore niya ako. Kahit kasama niya pa yung pinakabestfriend ko nung inignore nila ako, mas nasaktan ako dahil inignore niya ako. HUHUHUHU. Ewan ko. Siya kasi talaga yung pinakamabait, para sakin. Ehem, walang kabiasan na nagaganap, pero siguro may mag-aagree sakin. Nakakatakot lang siya minsan dahil parang pag may napansin siyang mali, parang magiging OA agad siya. HAHA Sa Twitter lang naman yun. KALMA. Pero siya talaga, masarap iyakan. Parang kahit anong pigil niya sayo, maiiyak ka pa lalo kasi basta. HAHAHA. Nandun yung comfort eh. :)) Masasabi kong isa siya pinakamakakasakit sakin pagdating ng araw. Alam niyo yun, parang gawin na ng iba, wag lang siya.
At si ano ulit. Siya naman yung tipo ng kaibigan na kung kani kanino na lang sumasama. I feel her sometimes. Parang magkatulad kami ng sitwasyon kaya most of the time, I treat her like a baby. Kasi parang alam ko na yung nararamdaman niya at ayokong masaktan pa siya ng iba. Kahit kasi matangkad siya at malaking tao, parang ang sensitive niya parang di ko kakayain kung may manakit sa kanya or something like that. Para siyang bata rin eh. AS IN. Ang hilig niya mag-ayos at ang hilig magplano ng mga trip para sa grupo. Feeling ko nga, hindi kami magiging sikat sa school as *name of group* (Hindi naman talaga sikat) kung hindi dahil sa kanya eh. Kung wala siya, hindi namin ginagawa ngayon mga ginagawa namin. HAHA. At vocal siya sa iba pagdating samin, and I really like that. Na-appreciate ko yung pagpapakilala niya samin sa parents niya as a Kpop chuchu. Hahaha, awkward pero cute. Ang sweet. :)
At yung higante kong pinsan. Grabe, nung JUDGEMENT NIGHT (XD) Yung comment niya yung pinaka nagpaiyak at nakasakit sakin. Ewan ko. Ang prangka niya pala. HAHAH. Naiyak ako kasi nabigla ako, hindi ko alam na ganun ako, pero higit sa lahat dahil sobra na pala ako, wala pa akong ginagawa. Tas nung sinabi niya na wag niya na akong isama sa pitong mga kaibigan ko, WAHHHHHHHHHHH. Okay lang, pinsan ko naman siya. BWAHHHHAHAHAHAH. Okay ang sama ko. Aaminin ko, sobra akong nasaktan sa mga sinabi niya. Pero I chose not to explain my side, dun sa sinabi niyang yun. Kasi, what's the point? LOL Tsaka ganun talaga pag mahal mo ang isang tao, matutong magparaya. HAHAHA. LANDE.
At siya. Ewan ko. Every school year, lagi nalang kami magkasama so nasanay na rin ako sa ugali niyang ganun. Hindi ko na sasabihin kung ano, pero basta. Marami na akong nakakausap na halos parehas lang kami ng napapansin sa kanya, pero I chose not to speak my mind. "Grabe, kung makapagsabi kayo ng mga ganan, parang di niya ako kaibigan ahhhh." Ganun yung gusto kong sabihin talaga but I end up with lines like, "Kaibigan ko pa rin si _____, (kahit ganun iniisip niyo sa kanya)" Ganun ang magkakaibigan eh, tanggap mo kung ano sila. Pero siyempre dahil nga alam kong ganun siya, I choose to keep some secrets from her. Minsan nga, kaya hindi alam ng iba yung mga secrets ko, because it's something she shouldn't know. Kaya di ko nalang sinasabi. Para di unfair diba. Ang sakit niya rin kaya magsalita. HUHUHUHUUU. Nagalit talaga ako sa kanya dahil basta. Akin na lang yun. XDDDDD Pero mahal ko pa rin siya. Kaso, masakit lang kaya ewan ko. HAHAHA. Siya talaga nagpapahirap ng bawat araw ko sa pagpasok. HAHA. Ang hirap kasi mag adjust. Sana mahiwalay na nga lang ako sa kanila eh.
YAY. Bunganga ko. HAHA. This is the selfless part, kahit alam kong may mali sa mga iniisip nila sakin, at kahit gusto kong iexplain yung side ko, I chose not to. Eh bakit? Mas maganda na nga yung galit sila sakin eh. Para pag nagkahiwa hiwalay kami, no hard feelings para sa kanila. Kahit ibadmouth pa nila ako, okay lang. (WELL. dapat wala na ako sa school nun. x)) ) Don't get me wrong. Malapit na kasi akong makicked-out. XD Yep. Ang sakit nun sa part ko. LOL.
Okay kalandian ko lang to. Para pampadagdag post. :)
Salamaaaaaaaaaat.